Isang Binturong ang ni-rescue ngayong araw ng isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa Brgy. Concepcion.
Sa impormasyong ipinaabot sa Palawan Daily News (PDN), nakita ng nasabing CAFGU kaninang umaga ang matamlay ng hayop malapit sa kanilang bahay sa Concepcion at dinala niya sa kanilang kampo sa Brgy. Tanabag upang masaklolohan.
Batay pa sa inisyal na ulat, may pilay ang nasabing Palawan bearcat nang masagip.
Sa naturang hayop na may scientific name na Arctictis binturong ay isa ng endangered species at tanging makikita lamang sa Lalawigan ng Palawan.
Samantala, habang isinusulat naman ang balitang ito ay patungo na ang mga kawani ng PCSD Staff main sa Brgy. Tanabag upang i-rescue ang nasabing hayop at maihatid sa Palawan Wild Rescue and Conservation Center (PWRCC) para sa rehabilitasyon.
Ayon sa tagapagsalita ng PCSD Staff na si Jovic Fabello, kapag gumaling na ang Palawan Bearcat ay ibabalik siya sa natural niyang tahanan doon din sa bahaging norte Ng Puerto Princesa.