Sindikatong sangkot sa pangingikil kay suspended Mayor Danao, talamak ang modus sa iba’t ibang rehiyon-CIDG

Ibinahagi ng CIDG Pangasinan ang kanilang official statement patungkol sa naging operasyon ng paghuli sa sindikatong nangingikil sa mga lokal na opisyal matapos umanong sinubukang i-extort kamakailan si suspended Mayor Gerandy Danao ng Narra, Palawan.

Noong Disyembre 1, Naisakatuparan ang paghuli kay Natilyn Decipulo na siyang tumanggap ng pera sa isang money remittance center sa Dagupan City.

Photo by CIDG Pangasinan

Lumalabas sa kanilang imbistigasyon na malawak ang operasyon ng sindikatong nangingikil sa iba’t ibang lokal na opisyales partikular sa Region 3, 5 at 7 gamit ang parehong modus na magpapakilalang mga matataas na opisyales ng bansa at bibigyan daw ng impormasyon o tulong kapalit ng malaking halaga ng pera.

Samantala, eksklusibong ibinahagi ng CIDG Pangasinan ang larawan ng suspek sa Palawan Daily News.

Exit mobile version