Nilalayong kada taon ay magkakaroon ng malawakang konstruksyon ng mga proyektong pabahay para sa mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., matapos pangunahan ang ground breaking ceremony para sa 11,000 housing units sa Palayan City, Nueva Ecija.
Ang proyekto ay “Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program” ng administrasyong Marcos, na maliban sa bahay, kasama sa itatayo sa housing project ang mga pamilihan, paaralan, clinic at maaaring pagkakitaan ng mga local sa komunidad.
Magpapatuloy ang administrasyon sa pagtatayo ng mga tahanan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makamit ang naising makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon.