500 pamilyang apektado ng diarrhea outbreak sa Bataraza, nakatanggap ng food packs mula sa PSWD

Photo Credits to PSWDO/Bataraza MSWDO

500 na pamilya ang nakatanggap ng food packs mula sa mg kawani ng Provincial Social Welfare ang Development Office (PSWDO) kahapon, Marso 15, sa Barangay Inogbong, bayan ng Bataraza Palawan.

 

Ito ay matapos maapektuhan ng diarrhea outbreak kamakailan ang mga residente doon.

 

Agad na ipinamahagi PSWDO katuwang ang Bataraza MSWDO sa mga residente ang mga food packs at naging katuwang naman ng PSWDO sa paghahanda ang PDRRMO, PGP Security Services at PEPO.

 

Ang bawat food pack ay naglalaman ng 10 kilo ng bigas, 5 lata ng sardinas, 5 lata ng fresca tuna, 2 lata ng meat loaf, 1 dosenang choco drink at 1 dosenang kape.

 

Samantala ang pagkakaloob ng ayuda sa mga ito ay ayon na rin sa direktiba ni Gov. V. Dennis M. Socrates upang matulungan ang mga residente lalo na ang mga naging apektado ng nasabing sakit.

Exit mobile version