Pagbawal ng vape sa mga menor de edad, ikinatuwa ng maraming magulang

Maraming magulang ang nagpahayag ng positibong reaksyon matapos na mapalathala ang pagsasabatas ng Vape Law sa bansa.

Matatandaan na matapos na maisabatas ang Vape Bill, nagpaalala ang mga kinauukulan na mahigpit ang paggamit ng vape sa menor de edad.

Batay sa batas, mapapatawan ng kaukulang kaparuhan ang sinumang distributor na magbebenta ng vape sa mga menor de edad o yaong nasa edad 18 pababa, na kung saan sa unang pagkakataon ay monetary penalty sa halagang P10,000 at pagkakakulong ng hindi lalampas ng 30 araw.

Sa ilang mga nakaugnay na magulang ng Palawan Daily News,” mabuti naman at may batas na para ditto, dahil bata ang mga pamangkin ko ay nahirati na sa paggamit ng Vape, nguni’t ngayon tiyak na ito ay matitigil na” ayon kay Mrs. Ester Salvador ng Barangay San Jose, Lungsod ng Puerto Princesa.

“Disiplina sa sarili ang kailangan mula sa aming mga magulang hanggang sa anak, para hindi na tangkilikin ng mga kabataan ang paggamit ng Vape,” ayon naman sa isang ama na ang ikinabubuhay ay pamamasada ng multicab.

Matatandaan lumabas ang kumpirmasyon mula sa Malacañang na batas na ang controberversial na Vape Bill o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, dahil nag-lapse into law ang panukala dahil hindi ito napirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa loob ng 30 araw na nakarating ang panukala sa Malacañang.

Sa kabila na naging kwestyonable ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill dahil sa sinadyang patagalin ang batas sa Kongreso bago dumating sa Malakanyang ilang araw bumaba ng nagdaang Pangulo sa pwesto, ito naman ay nakatakda nang tutukan ng mga otoridad medical para sa ganap na pagmonitor kung naipatutupad, para na rin sa kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa.

Exit mobile version