CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

From left to right: MGB MIMAROPA Regional Director Engr. Felizardo Gacad Jr., Claver Mayor Georgia Gokiangkee, CBNC Community Relations Manager, Bernie Martinez, and Community Relations Section Head, Laurence Amores

Patuloy na pinatitibay ng Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) ang kanilang pangako na isulong at suportahan ang responsableng pagmimina sa bahaging sur ng Palawan.

Sa ginanap na 2025 Responsible Mineral Development Forum na may temang “Minerals to Milestone: Responsible Minerals Development Towards Sustainability, Governance and Environmental Integrity” na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Mines and Geoscience Bureau (MGB) MIMAROPA Region na ginanap sa Costa Palawan Resort, Puerto Princesa nitong Oktubre 23, muling pinatunayan ng CBNC ang kanilang dedikasyon sa sustainable na paggamit ng likas na yaman ng Palawan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Bernie A. Martinez, Community Relations Officer ng CBNC, ang kahalagahan ng maayos, responsable, at pangmatagalang paraan ng pagmimina na hindi lamang nakatuon sa pag-unlad ng industriya, kung hindi sa pangangalaga rin ng kalikasan at kapakanan ng komunidad.

“Today we gather with the shared purpose to engage in meaningful dialogue on how we harness our mineral wealth responsibly, sustainably, and inclusively. This forum brings together government leaders, industry stakeholders, environmental advocates, and local communities, all united by one vision, that development could come hand in hand with caring for the environment and well-being of its people.”

Dagdag pa niya, ang Responsible Minerals Development ay hindi lamang isang polisiya o proyekto, kung hindi isang matibay na pangako—isang pangakong nakabatay sa pangangalaga, transparency, at pananagutan sa mga susunod na henerasyon na magmamana ng kalikasang inaalagaan ngayon.

“Responsible Minerals Development is more than a policy or a project; it is a commitment. A commitment to stewardship, to transparency, and to the future generations who will inherit the land we care for today. As we go through today and tomorrow’s sessions, may our conversations lead to collaboration, our ideas lead to innovation, and our actions lead to lasting positive change.”

Bukod sa aktibong pakikilahok ng CBNC sa mga forum na tulad nito, tiniyak din ni Martinez na tuloy-tuloy ang mga programang pangkomunidad ng kumpanya, partikular sa sektor ng edukasyon, kabuhayan, at pangkalikasan. Ilan sa mga proyektong ito ay ang pagbibigay ng scholarship programs, pagpapatayo ng mga school buildings, at sustainable livelihood initiatives na nasa ilalim ng Social Development and Management Program (SDMP) ng CBNC.

“Tuloy-tuloy pa rin ang aming mga projects sa community, especially mga scholarships, and then ‘yung community tapos na rin sila sa kanilang planning for next year at mostly may mga projects na sila sa sustainable livelihood tapos mga infrastructure projects,” pahayag ni Martinez sa isang interbyu.
Exit mobile version