11th bimp-eaga friendship games, nagsimula na

Opisyal nang binuksan ngayong araw, Disyembre 1, sa Puerto Princesa City ang 11th Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games 2024 na may mahigit 700 kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

Tampok sa kompetisyon ang walong larangan ng palakasan kabilang ang athletics, karatedo, archery, swimming, sepak takraw, badminton, pencak silat, at esports. Ang mga atleta ay magpapakitang-gilas upang ipakita ang kanilang galing at husay sa kani-kanilang sports.

Bukod sa sports, ang BIMP-EAGA ay isang inisyatiba upang palakasin ang ugnayan ng Brunei, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas, hindi lamang sa kalakalan, turismo, at pamumuhunan, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng koneksyon sa mga mamamayan ng rehiyon.

Ang naturang aktibidad ay malaking tulong sa promosyon ng turismo sa Puerto Princesa na magdadala ng oportunidad para sa mga lokal na negosyo at ekonomiya ng lungsod.

Layunin nitong gawing mas madali ang daloy ng tao, produkto, at serbisyo, habang ginagamit ang natural na yaman at imprastruktura ng bawat bansa upang mapaunlad ang rehiyon.
Exit mobile version