Nakaalerto ngayon, Martes (Pebrero 11), ang Palawan at Basilan kasunod ng inaabangang paglulunsad ng Long March 8A rocket ng China mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan.
Ang naturang rocket launch, na orihinal na itinakda noong Enero 25, ay na-reschedule ngayong araw. Mayroon itong isang launch window mula 9:22 AM hanggang 10:16 AM.
Bilang paghahanda, naglabas ng abiso ang Office of Civil Defense (OCD) na naglalaman ng tatlong itinalagang drop zones kung saan posibleng bumagsak ang debris ng rocket.
Mga Drop Zones ng Rocket Debris:
DROP ZONE 1:
Malapit sa Rozul Reef, humigit-kumulang 85 nautical miles ang layo.
Mga coordinates:
N11 54 E116 48
N12 38 E116 14
N12 58 E116 40
N12 14 E117 14
DROP ZONE 2:
Malapit sa Puerto Princesa, Palawan, humigit-kumulang 40 nautical miles ang layo.
Mga coordinates:
N10 19 E117 52
N11 10 E117 14
N11 13 E117 49
N10 45 E118 28
DROP ZONE 3:
Malapit sa Hadji Muhtamad, Basilan, humigit-kumulang 33 nautical miles ang layo.
Mga coordinates:
N06 44 E120 37
N07 36 E119 59
N07 55 E120 26
N07 04 E121 03
Nagpaalala naman ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko na huwag lalapitan o hahawakan ang anumang mahulog na debris dahil maaaring nagtataglay ito ng toxic substances.
Pinapayuhan ang mga residente at mangingisda na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung may mapansin silang anumang kahina-hinalang debris sa karagatan o sa kalupaan.