Muling lomobo ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin nitong pagpasok ng taong 2023, batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang pagtaas ay tumuntong sa 8.7%, ang pinakamataas simula Nobyembre 2008, na lubhang mas mataas kumpara noong Disyembre 2022 na mayroon lamang 8.1%.
Matatandaan na noong nakalipas na Disyembre 2022, tumaas ang presyo ng sibuyas sa P720.00 kada kilo sa pagdiriwang ng pasko.
Kung pagbabasehan naman ang Enero ng taong 2022, mayroon lamang itong naitalang 3. 0% inflation rate.
Batay naman sa inflation rate noong Disyembre 2022 sa index ng pabahay, tubig, gas, panggatong at iba pa, ito ay mayroon lamang 7%, ngunit ngayong Enero 2023, mayroon nang 8.5 %.
Sa mga pagkain at mga inuming hindi nakalalasing, nitong Disyembre 2022, 10.2 % ang inflation rate index, at ngayong Enero 2023, mayroon nang 10.7 %.