Mataas na bilang na mapapalayang mga PDL asahan ngayong 2022

Photo Credits to BuCor

Inaasahan ngayong taon maitatala ang pinakamataas na bilang ng mga Pesons Deprived of Liberty (PDL) na mapapalaya mula sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa loob pa lamang ng anim na buwang nakalipas, mula Enero hanggang Hunyo, naitala na ang mahigit sa 3,000 bilang ng mga bilanggo ang napapalaya ng Bureau of Corrections.

Isa sa bagong istratehiyang ipinatutupad ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ay ang marathon system na pagpoproseso ng Management, Screening at Evaluation Committee (MSEC).

Positibo ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na makakamit nila ngayong taon ang pinakamataas nabilang ng mapapalayang bilanggo. Batay sa pahayag ng tagapagsalita ng BuCor na si Assistant Secretary Gabriel Chaclag, kailangang magkapagdagdag sila ng manpower o kawani ng Bureau of Corrections na siyang tututok sap ag-asikaso sa mga kinakailangang sagot o tugon ng mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL).

Matatandaan na nitong 2019, mahigit sa 6,000 na mga PDL ang nakalaya na siyang pinakahuling naitalang taon na may pinakamaraming napalayang bilanggo.

Exit mobile version