Pwersa ng PMC at USMC, nagsanib sa Pagsasanay sa operasyon ng SUAS sa kamandag 08-24

Matagumpay naisagawa ang Small Unmanned Aircraft System (SUAS) sa Tarumpitao Point, Brgy Punta Baja, Rizal Palawan. Noong Oktubre 17 hanggang 19, 2024, nagsanib-pwersa ang Philippine Marine Corps (PMC) at United States Marine Corps (USMC) para sa isang pagsasanay sa paggamit SUAS.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng KAMANDAG 08-24, isang taunang ehersisyo sa pagitan ng dalawang hukbo na naglalayong palakasin ang kooperasyon at kakayahan sa larangan ng depensa.

Nakatuon ang pagsasanay sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga Marino sa operasyon ng drone at maritime domain awareness upang mas mapahusay ang kanilang mga kakayahan sa mga misyon.

Ang Estados Unidos, bilang pangunahing kasosyo sa depensa ng Pilipinas, ay patuloy na gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng ugnayan militar ng dalawang bansa. Sa pamamagitan ng KAMANDAG 08-24, pinagtitibay ang kooperasyon para tugunan ang mga hamon sa seguridad at mga layunin sa rehiyon.
Exit mobile version