US Navy, suportado ang pcg sa problema sa Oil Spill

Photo Credits to Philippine Coast Guard

 

Mainit na sinalubong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagdating ng U.S. Navy na susuporta sa kinakaharap na pagsubok ng Oriental Mindoro dahil sa Oil Spill.

 

Ayon sa  U.S. Embassy to the Philippines, ang U.S. Navy ay magpapadala ng  Hydros Remotely Operated Vehicle (ROV), isang high-tech na “underwater robot” na ikinakabit sa isang barko upang mapabilis ang pagtukoy ng sanhi ng oil spill at mapabilis ang paghinto nito.

 

Magdadagdag din ng container para maging support equipment ang US Navy, kabilang na ang crane at launching system, para naman sa pagdeploy ng Hydros ROV.  Kabilang sa mga ipapadala ay ang mga sumusunod;

 

  1. a) 1,000 feet of 26-inch (in height) harbor boom

 

  1. b) isang shop van para sa maintenance o repairs

 

  1. c) isang decontamination van para sa oiled equipment/boom

 

  1. d) iba’t-ibang klase ng shoreline skimmers

 

  1. e) isang 23-foot inflatable vessel

 

  1. f) isang pitong metrong Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB)

 

  1. g) tatlong maliliit na zodiac boats

 

  1. h) isang maliit na all-terrain forklift

 

  1. i) at isang all-terrain vehicle

 

Makakatanggap din ang PCG mula sa US Navy ng mga

Personal Protective Equipment (PPE) para sa mga  crew at sorbent materials para naman pang suporta sa  shoreline response operations.

 

Samantala, si PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu ay lubos naman ang pasasalamat sa  US Government sa pagsuporta at pamamahagi ng mga kagamitan para sa problema ng pagkalat ng Oil spill.

Exit mobile version