Pres. Duterte, humingi ng tawad sa publiko dahil sa e-sabong

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na noong una ay nag-aalangan ito na ipatigil ang operasyon ng e-sabong sa bansa dahil sa laki ng buwanang kontribusyon nito na mahigit ₱640,000,000.00. Aniya dahil dito ay maraming pamilya ang nasira at nalulong sa pagsusugal.

“Yong e-sabong…I’m sorry…I did not really realize that it would be like,” ani ni Duterte.

“I realize it very late and I am very sorry that it had to happen…hindi ko akalain na ganoon…hindi naman ako nagsusugal,”paliwanag ni Duterte.

“Pag na-dysfunctional, sige away…maghiwalay ‘yan…ito ang sige ng babae…pag nag-away iyan, gulo na ang pamilya, maghiwalay, ang mga bata,” dagdag pa ni Duterte.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR), umabot sa mahigit ₱5B ang revenue loss ng bansa para sa taong 2022 simula nang ipasara niya ito noong nakalipas na Mayo.

Isa sa mga nag-udyok kay Pangulong Duterte na ipasara ang e-sabong ang serye nang pagkawala ng ilang indibidwal at napag-alaman niya din umano ang masamang epekto nito kapag nalulong ang isang tao sa e-sabong na kung minsan umano ay nakakalimutan na nito matulog.

Dahil dito ay humiling ang ilang senador na ipasuspende o ipawalang bisa ang pag o-operate ng e-sabong dahil mahigit 31 na ang  naitalang bilang ng mga nawawala bagay na hindi binigyang pansin ng pangulo dahil sa bilyon-bilyong kinikita ng gobyerno dito at hiniling nalang nito sa kongreso na i-regulate ang operasyon nito sa pamamagitan ng pag-isyu ng legislative franchise.

Exit mobile version