Dalawang insidente ng sunog, naitala sa ikatlong araw ng Marso

Dalawang magkahiwalay na sunog ang naitala sa Barangay Maunlad 3:00 AM ngayong ikatlong araw ng Marso,  nang nasunog ang tahanan ni Lyda Del Rosario, residente ng Mabini St. na agad narespondihan ng mga kawani ng BFP at naapula ang apoy at wala naman naiulat na nasakatan.

Ayon kay Senior Fire Officer I at Public Information officer Mark Anthony Llacuna, nagsimula ang apoy sa outlet ng bahay  ni Del Rosario.

Ang ikalawang insidente ay naganap naman kaninang 10:00 AM sa Purok Daisy sa tahanan ni Gayo Lopores na umabot sa P10,000 ang danyos at kasalukuyang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kawani ng BFP sa pinag mulan ng sunog.

Paalala naman ng BFP sa paggunita ng Fire Prevention Month, nagsisimula na ang tag-init kaya mahigpit na nagpapaalala ang Bureau of Fire Protection ng Puerto Princesa City na ugaliing ingatan ang mga ari-arian sa loob ng tahanan tanggalin ang mga appliances na nakasaksak matapos at tumawag sa kanilang hotline kung mayroong fire emergency upang mabigyan agarang tulong.

Exit mobile version