Lalaki, kritikal sa pananaga ng bayaw nito sa Sofronio Espanola

Nauwi sa pananaga ang inuman ng magbayaw sa Iraray dos, Barangay Iraray, Sofronio Española,Palawan Marso 14, pasado 10:00 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Felipe Oteda, na  nagtamo ng taga sa kanang bahagi ng leeg at likod, na agad isinugod sa Sofronio Española Hospital at kasalukuyang inoobserbahan.

Habang ang suspek ay kinilalang si Alex  Baleg bayaw ng biktima at kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Kagawad Arman Marinsi, isa sa mga rumesponde sa krimen, magkasamang nag-iinuman umano ang dalawa nang mapag-usapan ang kuryente hanggang sa humantong sa pagtatalo at hindi pagkakaunawaan at nauwi sa pananaga.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa tangkang pagpatay.

Exit mobile version