Pulis na namaril ng 2 Philippine Navy servicemen, sumuko na

Sumuko na sa Police Station 2 ang isang pulis na namaril sa dalawang Philippine Navy officers sa Kilometer 19 North National Highway, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City ganap na 8:00 ng gabi, ika- 7 ng Pebrero.

Kinilala ang suspek na si Police Corporal John Vincent Ugalde ng Regional Mobile Force Battalion (RMFM).

Kinilala ang mga biktima na sina Petty Officer 1 (PO1) Jonathan R Lopo, 46 anyos, may asawa at residente sa Hagedorn Road Barangay San Miguel at miyembro ng  National Information Communication Technology Station, Philippine Navy at Apprentice Seaman (ASN). Biktima din si Christian Bustillo, 25 anyos at member ng Philippine Navy.

Sa initial na imbestigasyon ng Police Station 2, batay na rin sa naging salaysay ng biktima na si Bustillo na siyang driver ng multicab na binabagtas ang KM 19 North National Highway ay nag-overtake siya sa Toyota Wigo na minamaneho naman ng pulis at nagkaroon ng gitgitan at nang tingnan ng biktima mula sa kanang salamin ay nakita nito ang kotse na sumusunod sa kanila at sunod narinig nila ang putok ng baril na tumama sa gulong dahilan upang mawalan ng control sa pagmamaneho ang biktima.

Nagtamo ng minor injuries ang dalawang biktima.

Samantala, posibleng kaharapin ng pulis ang patung-patung na kaso at ngayon ay nasa kostudiya na ito ng Police Station 2.

Exit mobile version