Kapulisan sa 3rd Platoon at 2nd Palawan PMFC, naghatid ng saya sa bayan ng San Vicente

Photo Credits to 3rd Platoon

 

Matagumpay na naisagawa ang tinatawag na “Tarabangan Kita” Community Outreach Program sa Sitio Bigaho, Brgy. Port Barton, San Vicente, Palawan.

 

Ang aktibidad ay naisakatuparan nitong Sabado, Pebrero 18, sa pangunguna ni PLT John Eric A. Areta, Platoon Leader sa ilalim ng pangangasiwa ni PLCOL Mhardie R. Azares, Force Commander, kasama ang PNPA Class 2021 HINIRANG Palawan Chapter, San Vicente Municipal Police Station, lokal na pamahalaan ng Barangay Port Barton at bayan ng San Vicente, Palawan, mga opisyales ng Sitio Bigaho sa pamumuno ni  Chairman Marlon Rosales, Alpha Rho Sigma, Scubasurero at KKDAT Port Barton sa nasabing lugar.

Layunin ng programang ito na magsilbi, magmalasakit, at tumulong sa kapwa.

 

Samantala ang mga serbisyong naibigay ay libreng ayuda, pagkain (lugaw) at libreng gupit.

 

Nagsagawa din ng  tree planting activity na may humigit kumulang na 100 Narra seedlings ang naitanim sa nasabing sitio. Ang Sitio Bigaho ay mayroong Bigaho Waterfalls na isa sa mga lugar na dinarayo ng mga turista na pumupunta sa Brgy. Port Barton.

Nagpaalala rin ang kapulisan kaugnay sa awareness campaign  ng nasabing unit kasama ang ilang opisyal ng barangay patungkol sa  RA 11313 (Bawal Bastos Law), Coronavirus Awareness Response and Empowerment (CARE), Drug Abuse Resistance Education (DARE), RA 9262 (VAWC), Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) at EO 70.

 

Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Bigaho sa tulong at serbisyo na kanilang natanggap kahit na sila ay nasa liblib at malayong lugar.

Exit mobile version