10 mangingisda, arestado matapos mahuling gumagamit ng compressor sa Cuyo

Arestado ang sampung kalalakihan ng Cuyo Municipal Police Station at Bantay Dagat Palawan sa karagatang sakop ng Barangay Manamoc, Cuyo, Palawan nitong Mayo 23, ganap na 10:00 ng umaga.
Ayon sa ulat ng PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa Barangay Manamoc na mayroong nagsasagawa ng ilegal na pangisda.
Agad na nagtungo ang PNP at Bantay Dagat at isang bangka ang namataan na nag ngangalang F/B FROANALEX.
Ng lapitan ng mga awtoridad, nakita sa mga ito ang dalawang unit compressor kasama ang tangke, apat na plastic roll hose, apat na pares ng foot paddles at apat na spear gun.
Pinangalanan naman ng PNP ang tatlong namamahala sa bangka na sina;
Dionisio Panes y Matutina, 55- anyos, Boat Captain, Rommel Alogen, 27-anyos, Chief Engineer, at John Michael Del Rosario, 26/anyo, Master Fisherman.
Kasama ng tatlo ang pitong mangingisda na hindi na binanggit ang mga pangalan.
Napag alaman na pawang mga residente sa Barangay Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro ang mga ito.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Municipal Ordinance No. 2000-301 (An ordinance banning the operation of compressor and fishing method) ayon sa batas ng lokal na pamahalaan ng Cuyo.
Exit mobile version