Isang wanted person sa Bayan ng Coron ang nadakip na ng pulisya dakong 2:00 pm noong Hulyo 12, 2020.
Kinilala ang suspek na si Rachelle Ferrera Maniclang, a.k.a “Russel Maneclang” at “Che-Che,” 18 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho, at residente ng Brgy. Poblacion 2, Coron, Palawan.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Judge Arnel P. Cezar ng RTC Branch 163-Coron noon lamang Hunyo 29, 2020, inaresto ang nasabing indibidwal ng mga tauhan ng Coron MPS, kasama ang PNCO dahil sa paglabag sa Section 4 (d) ng Republic Act No. 9995 o mas kilala bilang “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.” May inirekommenda namang piyansa na nagkakahalaga ng P42,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Coron MPS ang naarestong suspek at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa proper disposition.