3 wanted dahil sa kasong illegal gambling, arestado sa Culion

Matapos magtago sa batas sa loob ng halos isang buwan, ngayon ay arestado na ang tatlong kalalakihan mula sa Bayan ng Culion dahil sa kasong illegal gambling.

Ang mga nadakip ay sina Allan Pacanot Sarmiento, 35 anyos, may asawa, magsasaka; Lemuel Sebido Garcellano, 29, may asawa, magsasaka; at Marvin Llacuna Juan, 25, may asawa, mangingisda at mga kapwa residente ng Sitio Balanga, Brgy. Luac, Culion, Palawan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Palawan PPO, nakasaad na naaresto ang naturang mga indibidwal ng Culion Municipal Police Office (MPO) sa pangunguna ni Acting Chief of Police PCpt. Dhenies Acosta bandang 9:50 AM kahapon, Hunyo 3, base sa ibinabang warrant of arrest ni Municipal Circuit Trial Court (MCTC)-Culion Judge Perly Anne Pe nito lamang Mayo 8, 2020.

Kakaharapin ng mga suspek ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang batas ukol sa “Illegal Gambling” at may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P30,000 sa bawat isa sa kanila para sa pansamantala nilang kalayaan.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Culion MPS ang mga suspek at nakatakdang iharap sa issuing court para sa tamang disposisyon.

Samantala, matatandaan ding sa pagbungad pa lamang ng Hunyo ay dalawang kalalakihan na ang naaresto ng mga awtoridad at sila ay mula rin sa Sitio Balanga, Brgy. Luac sa Munisipyo ng Culion.

Exit mobile version