Babaeng Wanted sa batas, nahuli sa Brgy. Irawan, PPC

Isang 39-anyos na babaeng hindi na pinangalanan ng pulisya ang naaresto ng mga awtoridad sa Zone 1, Barangay Irawan, Puerto Princesa City, pasado alas-10:30 ng umaga, ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 3, 2025.

Ayon sa inilabas na report ng Puerto Princesa City Police Office Police Station 2 (PPCPO-PS2) ngayong araw, residente umano ng Lagan Street, Barangay Milagrosa, PPC, ang suspek at may kinahaharap na kaso kaugnay ng paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Maliban dito, natukoy rin na may nakabinbin pa siyang kaso sa ilalim ng parehong batas, kung saan ang inirekomendang piyansa ng korte ay P80,000.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest (WoA) na inilabas noong Pebrero 2022. Pinangunahan naman ang operasyon ng Police Station 2, sa tulong ng Tracker Team ng PPCPO, Intelligence Unit ng Philippine Air Force, at mga tauhan mula sa Regional Mobile Force Battalion.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa tamang disposisyon.

Ayon naman kay PLT Dindo Yapparcon, Officer-in-Charge ng Police Station 2, patuloy ang kanilang pagsisikap na tugisin ang mga may kaso upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

“This successful arrest underscores our commitment to ensuring that justice is served and that those who violate the law are held accountable. I commend the unwavering dedication and coordination of our personnel and partner agencies. Together, we will continue to pursue offenders and work towards a safer Puerto Princesa for all.”
Exit mobile version