Banyaga, naaksidente matapos umiwas sa tumawid na aso

Photo from Palawan Provincial Police Office

Ligtas na ang isang British National matapos bumaliktad ang minamaneho nitong Toyota Hilux sa National Highway ng Brgy. Pasadeña, El Nido, Palawan noong Disyembre 21, bandang 11:00 PM.
Ayon sa ulat, nanggaling sur umano ang biktima at patungong norte sa bayan ng El Nido nang biglang may tumawid na aso dahilan upang iwasan ito patungong kanang direksyon ngunit nawalan nang control ang drayber. Lumagpas umano ang sasakyan sa bangin at bumaliktad.
Bagama’t wasak ang sasakyan ay nasa maayos na rin umano ang kalagayan ng biktima.
Exit mobile version