Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng Roxas Municipal Police Station, sa pangunguna ni PMAJ CARLITO VALDEZ, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency 4B ang isang construction worker na kinilala na si Keyvin Sobrepeña Eleazar, 19 anyos at residente ng Purok 5, Barangay Tagumpay, Roxas, Palawan.
Ang operation ay ginawa sa Purok Maligaya, Barangay Magara, Roxas, kahapon January 30.
Ayon sa Provincial Police Office, ang suspek ay nagbenta ng pinaniniwalaang marijuana sa nagpanggap na asset ng PNP kapalit ang P3,000.00.
Nakumpiskahan din ito ng isang rolled transparent plastic na marijuana na may timbang na 8.46 grams at nagkakahalaga na P500 at ilan na paraphernalia.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.