Dalawang lalaki, arestado matapos manakot at magnakaw

Photo from Puerto Princesa City Police Office

Himas rihas ang sinapit ng dalawang lalaki matapos maaresto ng mga awtoridad dahil sa pananakot at pagnanakaw sa Abad Santos Street, Barangay Maunlad, lungsod ng Puerto Princesa, pasado 11:30 ng gabi nitong Setyembre 28.
Ang biktima ay kinilalang si Andrea Bocado habang ang mga suspek naman ay sina Vincent Quiano Villarino, 20 anyos, naninirahan sa Tanedo Subdivision, Brgy. Irawan, at Monching Acosta Rodriguez, 24 anyos, naninirahan din sa parehong lugar.
Ayon sa unang imbestigasyon, may kasunduan ang biktima at mga suspek para sa transaksyon sa negosyo. Nang magkita ay agad umano na ipinakita ng mga suspek ang kanilang baril sa biktima at kinuha ang halagang Php 5,000.00 bago tumakas. Sumigaw ng tulong ang biktima, at isang saksi ang agad na tumulong sa kanya. Pumasok ang mga suspek sa bahay ni Rowena Flores upang magtago. Matapos ang masusing imbestigasyon at operasyon, nahuli ang mga suspek at narekober ang baril na ginamit.
Samantala, kasong pagnanakaw at paglabag sa R.A. 10591 ang isinampa laban sa mga suspek.
Exit mobile version