Dalawang lalaki, tinaga nang hindi pa tukoy na mga suspek sa bayan ng Quezon

Sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang lalaki matapos tagain nang hindi pa kilalang mga lalaki sa Public Terminal, Barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan, pasado alas dos ng madaling araw nitong Oktubre 17.
Kinilala ang mga biktima na sina Valeriano Bucasa y Bandiola, 53 anyos, mangingisda at naninirahan sa Brgy. Isugod, Quezon, Palawan, at si Richard Vizon y Pido 34 anyos, naninirahan sa Brgy. Malatgao, Quezon, Palawan, habang ang mga suspek ay hindi pa tukoy.
Sa imbestigasyon ng Quezon MPS, bumili umano ng sigarilyo ang mga biktima at nang sila’y pabalik bigla na lang sumulpot ang XRM 125 na motorsiklo sakay ang hindi pa kilalang mga kalalakihan.
Nilapitan ni Bandiola ang isa sa mga sakay na suspek na bumaba mula sa kanilang motorsiklo at tinanong kung bakit hinarangan ang daan. Nauwi sa pagtatalo ang usapan dahilan upang saktan at tagain ng ilang beses ang biktima.
Sinubokan pang tulongan ni Vison ang kasama ngunit inambangan din ito nang taga sa katawan.
Samantala, nagsagawa na ang Quezon MPS nang hot pursuit operation laban sa mga suspek.
Exit mobile version