Nahaharap ngayon sa paglabag sa mga probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang idibidwal sa Bayan ng Bataraza na naaresto sa buy-bust operation kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek na sina Christian Ian Joseph Tabi Braganza, 24 anyos, binata, drayber ng van at Mary Jane Dagsallo Sibugan 30, may asawa, online seller at parehong residente ng Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
Sa spot report ng Palawan PPO, nakasaad na 6:35 pm noong June 13, 2020 nang ikasa ang buy-bust operation ng Bataraza MPS na pinangunahan ni PCpt. Sir Dhayrius L. Redondo, kasama ang mga personnel ng PIU, RIU at mga miyembro ng 1st PPMFC, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA, na nagresulta naman sa pagkakahuli sa nabanggit na mga suspek.
Sa nasabing operasyon ay nagawa umano ng isang Police officer, na nagpanggap na buyer, na makabili ng isang pakete ng shabu mula sa mga suspek.
Nakumpiska sa pag-iingat ng mga nadakip ang tatlong pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, tatlong improvised tooter, dalawang cellular phone, apat na lighter, dalawang rolled aluminium foil, isang gulay berdeng gunting, isang transparent plastic, tatlong P1000, dalawang P500, limang P100, isang brown wallet, isang black shoulder bag, isang used aluminium foil na may residue, apat na transparent plastic sachet na mayroon ding residue ng puting pulbos na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride, at dalawang cellular phone na may keypad at touch screen.