Bilangguan ang bagsak ng isang lalaki matapos magsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation ang mga operatiba ng Police Station 1 sa ABC lodge, Abad Santos extension, Barangay Bagong Sikat, noong Setyembre 28, pasado 10:00 ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Marco Angelo Juan Arriesgado, 27 anyos, driver, at naninirahan sa Purok Golden Shark, Brgy. Pagkakaisa, Puerto Princesa City.
Sangkot umano si Arriesgado sa pagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod at sa talaan ng PNP ay nakalista din ito na Street Level Individual (SLI).
Nadakip ang suspek ng pinagsamang operatiba ng PS1 DET, sa pamumuno ni PEMS Eustaquio Ferrer sa ilalim ng pamantayan ni PMAJ Manyll Marso kasama ang mga operatibong Intel ng 2nd SOU-MG, Anti Crime Task Force na nagpatupad ng nasabing operasyon na koordinado naman sa ilalim ng PDEA Regional Office MIMAROPA.
Nabilhan umano ng posuer-buyer si Arriesgado ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristal na substansiya na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 1,500 pesos. Laman nito ay isang 1,000 boodle money at isang piraso ng genuine 500 na may tinatayang timbang na 0.64 gramo. Habang kinakapkapan ng operatiba ay nakita ang isang coin purse na naglalaman ng (9) na heat-sealed plastic sachets na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 2.89 na gramo at may tinatayang halaga na umaabot sa P19,652.00. Kompiskado rin ang (1) isang unit ng Cellphone na Vivo at (1) isang piraso ng coin purse.
Nahaharap ang driver sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 at ihaharap sa korte para sa paglilitis.