Dumi ng aso, naging puno’t dulo nang saksakan sa isang purok sa lungsod

Photo from Puerto Princesa City Police Office (PPCPO)

Patay ang isang senior citizen matapos saksakin ng nakaalitan nito noong Enero 5, pasado alas-onse ng umaga, sa Purok Silangan, Barangay San Pedro, lungsod ng Puerto Princesa.
Ang biktima ay kinilalang si Cecillo Soriano Mozo, 65-anyos, na kasalukuyang nakatira sa nabanggit na purok nang mangayre ang pananaksak.
Ang suspek ay natukoy na si Reagen Ellema Arias, 42-anyos, at residente sa parehong lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula umano ang gusot dahil sa isang dumi ng aso na hindi pa tukoy kung kaninong aso. Pumunta umano ang biktima sa barangay upang mag-report at nang pauwi na ay doon na umano nakaabang ang suspek sa tahanan nito na armado ng kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima sa likod ng walong beses.
Agad na inaresto ng mga rumespondeng tanod ang suspek habang ang biktima naman ay agad ding isinugod sa Ospital ng Palawan ngunit idineklarang dead on arrival ng sumuring doctor.
Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Exit mobile version