26 sa 40 katao na lumusob sa resort sa El Nido, arestado

PDN Stock Photos

Arestado ang 26 sa 40 grupo ng mga kalalakihan na kasapi umano ng H-World UN-PI na pumasok sa isang resort sa bayan ng El Nido, Palawan noong ika-4 ng Hulyo, ganap na 4:00 PM.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, biglang lumusob ang nasa 40 na indibidwal sa resort ng Sitio Lagpan, Barangay New Ibajay, at kanilang kinuhaan ng mga armas ang guwardiya na nagbabantay.

Kinilala ang biktima na sekyu na si Henry Manga Peligro, 28-anyos, single, at residente ng Barangay Batas, Taytay, Palawan.

Nagsagawa agad ng imbestigasyon ang El Nido MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Noon namang ika-5 ng Hulyo, nagkasa ng hot pursuit operation ang El Nido PNP, kasama ang mga 4th Platoon at 2nd Provincial Mobile Force Company, at 23rd Marine Company dahilan upang maaresto ang nasa 26 na mga kalalakihan matapos silang ituro ng biktima at barangay kapitan at isang kagawad ng nasabing lugar.

Kinumpirma naman ni Police Colonel Adonis B. Guzman, Provincial Director, na pinasok ng 40 na mga kalalakihan ang resort at dinis-armahan nito ang security guard na nakabantay.

“40 katao ang pumunta sa resort at dinis-armahan ang Security Guard nakuha ang nito (sa kanya) ang 12 gauge shot gun, then nakita ng caretaker doon sa resort na nakabantay kaya nakatawag sila sa Police natin sa El Nido, kaya pagka-umaga nakapunta doon ang PNP natin at nadatnan doon ang 26 katao sila kasi ang mga tinuro, ang iba nakaalis na, after nangyari ang (incident) nagkaroon tayo ng hot pursuit operations at sinabihan na natin ang mga ibang station (para mahuli yung mga nakalusot), sa initial na info, kasi doon parang may problema ata yung mga dating may-ari (resort) at lahat ng pumasok doon ay member ng H-World UN-PI’, ani ni Guzman.

Ang 26 sa 40 na katao ay sina:

𝟭. 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗧𝗮𝗻𝗴𝘂𝗲𝗿𝗮𝗻 𝗘𝗹𝗹𝗼, 𝟮𝟬-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟮. 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼 𝗚𝗲𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗣𝗶𝗼𝗹𝗼, 𝟰𝟮-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆

𝟯. 𝗟𝗲𝗼𝗽𝗼𝗹𝗱𝗼 𝗚𝗮𝗱𝗼𝘁 𝗚𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗝𝗿, 𝟰𝟴-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆

𝟰. 𝗘𝗹𝗯𝗲𝗻 𝗔𝗯𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗥𝗮𝘇𝗼𝘁𝗲, 𝟮𝟴-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟱. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗦𝗶𝗮𝘀𝗮𝘁 𝗖𝗮𝗻𝗸𝗲, 𝟮𝟬-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆

𝟲. 𝗔𝗹𝗳𝗼𝗻𝘀𝗼 𝗦𝗮𝗰𝗹𝗲𝘁 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇, 𝟰𝟰-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲

𝟳. 𝗔𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗠𝗮𝗴𝗯𝗮𝗻𝘂𝗮 𝗣𝗶𝗼𝗹𝗼, 𝟯𝟭-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆

𝟴. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗚𝗮𝗹𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗧𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆, 𝟱𝟰-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲

𝟵. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝘆 𝗔𝗺𝘂𝗿𝗮 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝟰𝟯-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲

𝟭𝟬. 𝗝𝗲𝘃𝗶𝗲 𝗔𝗴𝗻𝗲𝗿 𝗖𝗮𝘀𝗮𝗺𝗽𝗼𝗹, 𝟮𝟭-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟭𝟭. 𝗡𝗶𝗰𝗸𝗼 𝗕𝗮𝗿𝘁𝗼𝗹𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, 𝟮𝟳-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟭𝟮. 𝗜𝘀𝘀𝗮𝗰𝗵𝗮𝗿 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝗻𝗱𝗼 𝗢𝗶𝗿𝗮𝗱𝗮, 𝟯𝟴-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟭𝟯. 𝗠𝗰 𝗗𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗕𝗲𝗿𝗺𝘂𝗱𝗲𝘇 𝗘𝘂𝗴𝗲𝗻𝗶𝗼, 𝟲𝟬-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲

𝟭𝟰. 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗘𝘃𝗮𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗕𝗼𝗹𝗮𝗻𝘁𝗲, 𝟯𝟯-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲

𝟭𝟱. 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗢𝗿𝘁𝗲𝗴𝗮 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀, 𝟱𝟯-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟭𝟲. 𝗥𝗼𝗴𝗲𝗿 𝗭𝘂𝗺𝗮𝗿𝗿𝗮𝗴𝗮 𝗖𝗮𝘀𝗮𝗺𝗽𝗼𝗹, 𝟰𝟮-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟭𝟳. 𝗔𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗗𝗲 𝗟𝗶𝗺𝗮 𝗔𝗿𝗺𝗼𝗱𝗶𝗮, 𝟮𝟳-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲

𝟭𝟴. 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗟𝗮𝘀𝘁𝗿𝗲𝗹𝗹𝗮, 𝟯𝟭-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆

𝟭𝟵. 𝗔𝗹𝗷𝗲𝗶𝗿𝗶𝗰 𝗡𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝟮𝟬-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟮𝟬. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗹 𝗚𝗮𝗺𝗼𝘇𝗮 𝗚𝗮𝗯𝗮𝗹𝗲𝗼, 𝟯𝟬-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆

𝟮𝟭. 𝗘𝗿𝗻𝗶𝗲 𝗚𝗮𝗹𝗹𝗼𝘀𝗮 𝗠𝗼𝗹𝗶𝗷𝗼𝗻, 𝟮𝟳-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟮𝟮. 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗚𝗮𝗹𝗼𝗻 𝗦𝗮𝗹𝗲𝗰𝗼; 𝟮𝟮-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟮𝟯. 𝗡𝗼𝗿𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗔𝗴𝗿𝗶𝘀 𝗣𝘂𝗻𝘇𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗝𝗿, 𝟯𝟲-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆

𝟮𝟰. 𝗝𝗲𝗼𝗳𝗳𝗿𝗲𝘆 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝗼 𝗥𝗼𝘀𝗮𝘂𝗿𝗼, 𝟰𝟲-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲, 𝗣𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻

𝟮𝟱. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗽𝗲, 𝟮𝟯-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼

𝟮𝟲. 𝗛𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗰𝗮𝗹𝗶𝗻 𝗘𝘃𝗮𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮, 𝟲𝟯-𝗮𝗻𝘆𝗼𝘀, 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆, 𝗣𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻

Sa kanilang pagkakaaresto, sila ay nakuhaan ng siyam [9] na motorsiko, at 13 identification cards ng H-World UN-PI. Patuloy naman ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa (14) unidentified suspects, maging ang pagbawi sa nakuhang armas sa security guard.

Samanatala, nasa Palawan Multipurpose Hall, Palawan PPO, Camp Higinio A. Mendoza sa Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan na ang 26 na mga kalalakihan.

Nahaharap naman sa kasong robbery ang mga ito.

Exit mobile version