Isang indibidwal, patay sa pananaksak sa Linapacan

Patay sa pananaksak ang isa sa dalawang biktima ng pananaksak sa Barangay San Miguel, bayan ng Linapacan, Palawan ganap na 1:14 ng madaling araw ngayong araw ng Martes, Hunyo 13.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Ramcis Domingo Baculao, 21-anyos, Roselito Domingo, 23-anyos, pawang mga residente ng Barangay San Miguel, Linapacan.
Habang ang suspek ay nakilalang si Vincent De Luna Ancero, 21-anyos at residente rin ng kaparehong barangay.
Sa imbestigasyon, lumabas na mga bandang 1:14 AM kanina, habang nagsasagawa ng police visibility at pagbabantay ang mga pulis kaugnayan ng mga aktibidad para sa ika-69 taon na anibersaryo ng pagkakatatag ng munisipyo ng Linapacan, napansin nila na mayroong nangyayaring hindi maganda malapit sa Municipal Gymnasium kaya sinuri nila ito at tumambad sakanila ang dalawang biktima na parehong duguan at may mga saksak.
Agad nilang dinala ang mga ito sa Linapacan Rural Health Unit para sa agarang medikal na atensyon, ngunit idineklara na dead on arrival (DOA) na si Ramcis D. Baculao, habang si Roselito D. Baculao ay may tama ng saksak sa leeg.
Ang suspek ay naaresto at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Linapacan MPS para sa tamang pagdokumento at tamang disposisyon.
Exit mobile version