kagawad, patay matapos barilin sa bayan ng Brooke’s Point

Photo from Palawan Provincial Police Office

Dead on the spot ang isang kagawad matapos barilin sa spillway sa Barangay Mainit, Brooke’s Point, Palawan, noong Disyembre 15, pasado alas-otso ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Belmor Tenin, 35-anyos, at residente ng Imulnod sa nabanggit na bayan.
Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang suspek na kasalukuyan pa ring pinaghahanap.
Ayon sa ulat, nakatanggap umano ang Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) nang tawag na may insidente ng pamamaril sa nabanggit na lugar.
Base sa imbestigasyon, galing umano ang biktima sa Poblacion ng Brooke’s Point sakay ng motorsiklo kasama ang asawa nito at maging ang anak. Huminto umano ang biktima upang bumili ang kanyang asawa at anak ng karne sa talipapa nang sa hindi inaasahan ay nilapitan ito ng suspek at pinagbabaril si Tenin.
Agad umano tumakas ang suspek patungong Barangay Mainit sa parehong bayan habang ang biktima naman ay nagtamo ng bala sa ulo na agad na dinala sa Southern Palawan Provincial Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival (DOA) ng sumuring doktor.
Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang isang bote at isang 45 caliber na bala. Nagsagawa na rin ng checkpoint at hot pursuit operation ang mga awtoridad upang agad na matukoy at madakip ang suspek.
Exit mobile version