Hinuli ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa kasong robbery sa Brgy. Tagumpay, Coron nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 5, 2021, . Kinilala ang nadakip na si Jaymar Belay Dañas alyas Bornok, 21 anyos at residente sa lugar.
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na ini-hain ni Judge Lovelle Moana R. Hitosis ng Municipal Trial Court Coron-Busuanga nung Pebrero 4, 2021 dahil sa kasong Robbery.
Nakatakda namang iharap ang suspek sa hukuman para sa kaukulang disposisyon. Itinakda ang piyansa sa halagang P180,000.00.