Arestado sa Barangay Masagana, bayan ng El Nido, Palawan noong Hulyo 18, ang isang lalaki na sangkot sa iba’t-ibang kaso.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Antonym Cabesas Castillo, 46-anyos, construction worker, at residente ng Barangay Corong-Corong, El Nido, Palawan.
Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng El Nido Municipal Police Station kasama ang Provincial Intelligence Unit PALPPO at PALPPO PIDMU sa bisa ng warrant of arrest na may petsang ika-12 ng Hulyo 2023, na inisyu ni Emmauel Q Artazo Jr, Punong Hukom ng RTC Branch 14FC, sa paglabag sa Seksiyon 5(i) ng RA 9262, na may rekomendadong piyansa na P36,000, paglabag sa Seksiyon 5(a) ng RA 9262, na may rekomendadong piyansa na P72,000, at kasong paglabag sa seksuwal ng paragraph 2 ng artikulo 266-A ng RPC (Revised Penal Code) sa dalawang kaso na may rekomendadong piyansa na apat na daang libong piso P4000,000 para sa kanyang provisional liberty.
Ang taong ito ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng El Nido Municipal Police Station para sa pagdokumento at tamang pag-disposisyon.