Lalaki, patay matapos barilin sa Quezon, Palawan

Patay ang isang lalaki matapos barilin sa Barangay Quinlogan, Quezon, Palawan noong Martes, Hunyo 13, bandang 7:30 ng gabi.
Ang biktima ay nakilala bilang si Reynaldo Espinosa Fortuna, 51-anyos, residente ng nasabing lugar, samantalang ang mga suspek ay hindi pa nakikilala.
Sa impormasyon ng PNP, bandang 9:30 ng gabi, tumanggap ang Quezon MPS ng tawag sa cellphone mula sa asawa ng biktima tungkol sa pangyayari.
Pagdating sa lugar, natagpuan ng PNP team ang bangkay ng isang lalaking taong nakahandusay sa lupa na may tama ng bala sa leeg.
Ayon sa salaysay ng maybahay ng biktima, habang sila ay nasa loob ng kanilang tahanan at humigit-kumulang na tatlong (3) metro lamang ang layo mula sa biktima, bigla silang nagulat sa isang malakas na tunog na pinaniniwalaang putok ng baril.
Sa puntong iyon, lumabas ang asawa ng biktima na noon ay nasa kusina para tingnan ang kanilang mga anak. Doon at noon niya nakita ang biktima na may tama ng bala sa leeg at natatakpan ng dugo.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Quezon MPS upang matukoy at mahuli ang mga suspek.
Exit mobile version