Patay sa saksak ang isang lalaki na kinilalang si Renald Gimotea Ferriol, 45-anyos, kawani ng isang bangko sa lungsod ng Puerto Princesa ng suspek na kinilala naman bilang si Hernan Arega Lopez, construction worker at residente rin ng lungsod.
Batay sa ulat ng PNP, ganap na 11PM kagabi, Abril 30, ng mangyari ang krimen sa Baltan Street sa Purok Pagkakaisa, Barangay San Miguel.
Nagkaroon umano ng komprontasyon sa pagitan ng suspek at ng biktima na nauwi sa pagtatalo hanggang sa humantong sa pananaksak ng nasabing suspek.
Samantala, naisugod pa sa pagamutan si Ferriol ngunit idineklara na itong dead on arrival.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Police Station 1 sa krimen habang mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.