Lalaki, patay sa banggaan sa Narra, Palawan

 

Patay na ng dumating sa pagamutan ang driver ng isang Suzuki Smash 110 na kinilalang si Jason Banadera, residente sa Barangay Irawan, lungsod ng Puerto Princesa ng masangkot ito sa isang banggaan sa kahabaan ng South National Highway, Barangay Princess Urduja, pasado 1PM ng Linggo, Marso 19.

 

Kinilala naman ang nakabanggaan nitong driver ng isang Honda Beat 110 na si Richard  Luma, 35-anyos, construction worker, at residente ng Barangay Princess Urduja, Narra, Palawan.

 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station ganap na 1:40 ng hapon nang mangyari ang aksidente. Binabagtas umano ng  ng dalawang motorsiklo ang kalsada. Mabilis umano ang takbo ni Banadera at pinasok ang linya ni Luma, dahilan upang  magkabanggaan ang dalawa.

 

Parehong dinala sa pagamutan ang mga driver at isang back rider ni Banadera na kinilalang si Sherwin Tobiah, residente ng Barangay Panacan 2, Narra, Palawan.

 

Samantala, iniimbestigahan pa rin ng PNP ang aksidente. Ang dalawang motor ay nasa kostudiya narin ng Narra Municipal Police Station.

Exit mobile version