Lalaki, pinatay ng kainuman sa Narra

Isang lalaki ang patay matapos pagsasaksakin ng mismong kainuman nito sa Barangay Ipilan, Narra, Palawan kahapon ng umaga, Pebrero 20.
Ayon sa ulat ng Provincial Police Office (PPO), kinilala ang biktima bilang si Lorenzo Gitba, 49-anyos, at residente ng Barangay Sowangan, Quezon, Palawan at ang suspek bilang si alis “Alfie,” 27-anyos, at residente ng Barangay Tagusao sa parehong bayan.
Lumabas sa imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station (MPS) na noong Pebrero 19, bandang 7PM ng gabi, ang suspek at ang biktima ay nag-iinuman kasama ang iba pa sa Sitio Tagusao sa Ipilan, Narra.
Subalit, pasado 2AM ng madaling araw ng Pebrero 20, nagsimula umano ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa kung saan ininsulto at pinagsabihan umano ni Gitba si Alfie nang masasakit na salita, na nauwi sa pagkakasaksak sa kanya ng huli.
Pagkatapos ng krimen ay kusa namang sumuko ang suspek sa Quezon Municipal Police Station at saka inilipat sa Narra MPS para sa tamang disposisyon.
Narekober rin mula sa suspek ang isang kutsilyo na may sukat na siyang ginamit nito sa krimen.
Exit mobile version