Inaresto ng mga operatiba ng Puerto Princesa City Police Station 2 sa Purok Masagana, Barangay Irawan, ang suspek sa paghahalay ng isang menor de edad na kanyang kaanak.
Kinilala ang suspek na si Jonathan Dao Alforte, alyas Jing, 42 anyos, residente sa Zone 14, sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng PPCPO, Abril 10, ganap na 2:51 ng hapon bitbit ng pulisya ang warrant of arrest na pirmado ni Judge Jose Bayani Usman ng RTC Branch 50, Family Court, ng 2 counts ng panghahalay at ipinatupad laban sa suspek.
Tinaguriang fourth (4th) most wanted person sa lungsod si Alforte.
Wala naman pyansa sa kaso ng lalaki kaya mananatili ito sa piitan ng Police Station 2.