Lalaki, sinaksak ng basag na bote sa Narra

Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang isang lalaki matapos saksakin ng nakaalitan nito sa Barangay Panacan 2, Narra, Palawan.
Kinilala ang biktima na si Diether Wernada Manongdo, 26-anyos, habang ang suspek naman ay kinilalang si Darvie Loucencio Herlandez a.k.a “RS”, 31-anyos, pawang residente sa nabanggit na lugar.
Base sa imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station, ganap na 9:30PM ng Mayo 3, nang mangyari ang pananaksak.
Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa kaugnay sa bayarin ng tattoo, akmang hahablutin ng biktima ang damit ng suspek ay agad naman lg nakakuha ito ng basag na bote at sinaksak ang biktima.
Nagtamo ng tama ang biktima sa kanyang kaliwang balikat at tagiliran.
Samantala, nasampahan na ng kaukulang kaso ang nahuling suspek.
Exit mobile version