Lalaki, tiklo sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Masipag

Napasakamay ng mga operatiba ang isang lalaki kagabi, Marso 6, matapos na makuhaan ng hinihinalang marijuana sa Moonlight Lodge sa Barangay Masipag, lungsod ng Puerto Princesa pasado alas-10.

Kinilala ito sa pangalan na Jalan (SLI), 20-anyos, at residente ng Brgy. Princesa sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), nagsagawa umano ng isang drug buy-bust operation ang mga operatiba ng SDET-PS1, kasama ang RDEU 4B, at PPC-ACTF na humantong sa pagkakahuli sa nasabing suspek.

Nakuhaan naman ito ng limang sticks na nakarolyo sa puting papel na naglalaman ng pinaniniwalaang marijuana na tumitimbang ng 2.72 na gramo. Isang naka-seal sa loob ng sira-sirang JBL speaker na nagkakahalaga ng P326, isang cellphone na Iphone 7, at ang boodle money na P1,500.

Samantala, sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act ang suspek.

Exit mobile version