Lalaki, timbog sa drug buy-bust sa bayan ng Narra

Sa kulongan ang bagsak ng isang lalaki matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation noong Nobyembre 22, 2023, bandang 5:24 PM sa Barangay Antipuluan, Narra, Palawan.
Kinilala ang suspek na si “Mon,” 30-anyos, at residente sa bayan ng Aborlan.
Nadakip ang suspek sa pinagsamang operatiba ng Palawan Drug Enforcement Unit (PDEU), Palawan Provincial Police Office (PPO), at Narra Municipal Police Station (MPS).
Ayon sa pulisya, naaktuhan umano ang suspek na nagsasagawa ng ilegal na gawain nang magbenta ito ng isang pakete ng umano’y hinihinalang shabu sa isang police asset na nagpanggap na buyer.
Nakumpiskahan ito ng dalawang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, marked money at isang rolled aluminum foil.
Kaugnay nito, sinampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng R.A. 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.
Exit mobile version