Lalaking nabagsakan ng pinatumbang puno sa San Vicente, patay

Patay na nang dumating sa pagamutan ang isang lalaki na kinilalang si Nacoruel Cabanza, 39 anyos, fish vendor at residente sa Purok Mabuhay Old Site, Barangay Caruray, San Vicente, Palawan.

Ayon sa imbestigasyon ng San Vicente Municipal Police Station, ganap na 10:00 AM ng Ika-10 ng Enero, sa Sitio Pag-asa, Barangay Caruray napadaan ang biktima sakay ng kanyang motor papuntang bayan ng Roxas sana upang ibenta ang mga pinamili nitong isda sa kanilang barangay.

Ngunit sa kasamaang palad habang binabagtas nito ang daan ay aksidente namang nabagsakan ng kahoy na tinistis nina Jayson Bernardo, 29 anyos; John Paul Tagle, 22; Roderick Dagomboy, 25 anyos; at Rolly Neones 49, pawang residente sa Barangay Caruray.

Bagama’t aksidente ang nangyari ay maari pa ring masampahan ng kaso ang apat ng reckless imprudence resulting to homicide.

Exit mobile version