Live-in partners, arestado sa drug operation sa Puerto Princesa

Arestado ang mag-live-in partner sa ginawang buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency sa Roxas Street Barangay Tagumpay, Puerto Princesa.

Kinikilala ang mga suspek na sina Lester Saballero y Berdon, 37 anyos, balut vendor at Jade Tiococo y Villamor, 41 anyos, residente sa Purok Sampaguita  Barangay Bagong Sikat.

Ayon sa report ng awtoridad, ganap na 5:45 ng hapon kahapon Enero 21 nang mahuli sa operasyon ang dalawa. Sila rin umano ang nagpapalaganap ng illegal na droga sa lungsod na tinaguriang High Value Target/ Pusher.

Nabilhan ang dalawa ng nagpanggap na asset ng PNP kapalit ang P1,500 buy bust money. Nakuha sa kanila ang isang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu. Habang kinakapkapan ang dalawa, anim na pakete pa ng illegal na droga ang nakumpiska sa kanila.

Nahaharap sa Section 5 at 11 ng Article II, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang suspek.

Exit mobile version