Arestado sa operasyon ng Taytay Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Palawan Provincial Police Office, at 401st Regional Mobile Force Battalion, ang isang 73 anyos na lalaki na nagpapataya ng jueteng sa Purok 4, Barangay Poblacion, Taytay.
Kinilala ang suspek na si Victorino Dalunos Ustares, 73 anyos, at residente sa nasabing lugar.
Ayon sa report ng pulisya, dahil sa sumbong ng concerned citizen kaya sila nagsagawa ng operasyon.
Nakuha sa lolo ang mga ginamit na illegal number games tulad ng:
(1) piece bookies ticket with number combination 01 at 24,
(1) piece 20-peso bill (marked money);
bundle ng tickets mula sa PCSO Peryahan (1) piece calculator
(1) Clip board bookies receipts
(1) bundle lastillas ticket
(1) piece duplicate lastillas ticket
(1) piece 500-peso bill
(8) pieces 100-peso bills
(1) piece 50-peso bill
(16) pieces 20-peso bills
“Lahat po ng activities pertaining to illegal gambling ay may case build up at ito po ang isinasagawa ng PNP. Ang pangunahing layunin at maiwasan ang paglaganap ng mga illegal na gawain whether it be number games or otherwise po,” saad ni Police Captain Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office.
Sinampahan na ng kaso ang lalaki na paglabag ng Presidential Decree 9285 o illegal Gambling.