Mag-asawa, arestado dahil sa marijuana

Arestado ang mag-asawa matapos mahulihan ng pinaghihinalang marijuana kaninang umaga sa Bgy. Milagrosa, Puerto Princesa City.

Sa bisa ng search warrant ay hinalughog ng Puerto Princesa City Police Office Station 1 katuwang ang City Anti Crime Task Force ang bahay ng mag-asawang Kim Flores at Roed Flores.

Nakuha sa mga suspek ay mahigit 20 sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana at iba pang drug paraphernalia.

Sa inisyal na imbestigasyon, sangkot umano ang mag-asawa sa pagtutulak ng high grade marijuana.

Dahil dito ay mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Exit mobile version