Mahigit sa kalahating milyon na droga, nakumpiska ng PDEA sa Puerto Princesa

Photo from PPO

Arestado ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng drug buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan at Anticrime Task Force sa Puerto Princesa kaninang madaling araw, Disyembre 4, sa Purok Masunurin, Barangay San Jose.
Ang mga suspek ay kinilala bilang sina, Rolly Sabturani, 47-anyos tricycle driver, at Oswald Dagot nasa tamang edad at parehong residente ng lungsod.
Naaresto matapos magbenta sa nagpanggap na asset ng operatiba ang mga ito ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu.
Nakumpiska pa mula sa dalawa ang tatlong karagdagang pakete pa ng shabu.
Ayon sa PDEA, umaabot sa mahigit kalahating milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang shabu.
Ang mga suspek ay posibleng humarap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Exit mobile version