Most wanted person, sinupresa ng PNP sa araw ng pagka-aresto sa kanyang kaarawan

Isang surpesa ang inihandog ng Altavas PNP sa isang lalaki na most wanted person na kanilang naaresto sa mismong kaarawan nito kahapon kasama ang Bataraza MPS.

Kinilala ang suspek na si Allan Barrientos Delos Angeles, 44 anyos, residente sa Barangay  Caticlan, Malay, Aklan.

Ayon sa Altavas PNP, naaresto kahapon Abril 19,  ang lalaki dahil sa mayroong warrant of arrest ito na pirmado ni  Adelardo  S. Escoses ng Branch 51 RTC Puerto Princesa sa kasong Illegal Possession of Firearms at Frustrated Murder na may pyansang halaga  P60,000 at P200,000.

Kaya naisipan nila na supresahin at bilhan ng Cake ito sa mismong kanyang kaarawan.

Napag-alaman na ginawa ng suspek ang krimen sa Palawan. Kaugnay niyan nasa kustodiya pa rin ng Altavas PNP ang lalaki hangga’t hindi ito nakakapagpyansa sa kanyang dalawang kaso.

Exit mobile version