Most wanted sa panggagahasa, kalaboso

Kalaboso ang isang lalaking tinaguriang most wanted person (Rank No.1 Municipal Level) matapos itong maaresto ng mga awtoridad sa Barangay Bohol, Dumaran, Palawan noong araw ng Martes, Abril 18.
Kinilala ang suspek na si Arnel F. Abis, 54-anyos, magsasaka, at residente sa nasabing lugar.
Bitbit ng Dumaran PNP ang warrant of arrest sa kasong panggagahasa na inilabas laban sa suspek noong Mayo 25, 2021.
Wala namang piyansa na inilaan ang korte para sa kalayaan ng suspek na mananatili sa loob ng piitan.
Exit mobile version