Motorista, patay sa aksidente sa Rizal Palawan; nakabangga, tumakas

Umabot pa sa pagamutan ang 16 taong gulang na binata matapos makabanggaan ang isang kotse sa Sitio Salongsong 1, Barangay Iraan, Rizal, ganap na 5:45 ng hapon ika-19 ng Pebrero.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, sakay sa motorsiklo ang biktima na hindi na pinangalanan na siyang driver at may angkas na kinilalang si Geeann Ampala Omis, 20 anyos, residente sa Barangay Quinlogan, Quezon

Habang kinilala naman ang driver ng Nissan na si Rolando Llames, 60 anyos, at kasama nito na si Sheryl Magbanua Javier, 31 anyos parehong residente sa Barangay San Pedro sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, binabagtas ng motorsiklo ang national highway ng Barangay Iraan, Rizal, papunta sa Barangay Quinlogan, Quezon, Palawan(south to north) ng makasalubong nito ang Nissan sedan (north to south) na pinasok ang linya ng motorsiklo dahilan upang maganap ang aksidente.

Nagtamo ng pinsala sa ibat-ibang parte sa katawan ang motorista at angkas nito na agad dinala sa Rizal District Hospital, habang ang driver ng Nissan sedan ay tumakas at iniwan sa lugar ang sasakyan.

Samantala ganap na 7:30 ng umaga ika-20 ng Pebrero ay binawian ng buhay ang menor de edad dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan.

Patong-patong na kaso ang sinampa ng PNP laban sa driver ng Nissan na si Rolando Llames.

Exit mobile version