Motorista, sugatan matapos mabangga ng van

Photo from Palawan Police Provincial Office

Sugatan ang isang 34-anyos na motorista matapos mabangga sa likurang bahagi ng isang Toyota Hiace Grandia van sa kahabaan ng National Highway ng Barangay IV, sa Roxas, nito lang Lunes ng umaga, Agosto 25.
Natukoy ang biktima na si alyas “Jerome”, habang ang drayber naman ng pampasaherong van ay kinilala sa alyas na “Jay”, 30-anyos, may lisensya, at residente ng Brgy. Tinitian sa parehong bayan.
Batay sa imbestigasyon ng Roxas Municipal Police Station (MPS), habang binabagtas ni alyas “Jay” ang kahabaan ng Brgy. IV patungong Puerto Princesa, sinubukan umanong bagalan ng biktima ang patakbo subalit, kasunuran nito ang isang van na hindi na nakaiwas at tuluyang bumangga sa likurang bahagi ng XRM na motorsiklo ni “Jay.”
Dahil dito, nagtamo ng bahagyang sugat sa katawan ang biktima habang ligtas naman ang drayber ng van.
Kaugnay nito, parehong dinala sa Roxas MPS ang mga sangkot na sasakyan para sa tamang disposisyon.
Exit mobile version